LATEST
Ogie Diaz sinabing baka nililihim lang ang 'relansyong Ivana Alawi at Rep. Dan Fernandez
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Ang kilalang talent manager, showbiz reporter at inaabangang vlogger ngayon na si Ogie Diaz ay nagbigay ng kanyang komento tungkol sa diumano’y relasyon ni Laguna first district Representative Dan Fernandez at sexy actress at social media celebrity na si Ivana Alawi.
Kung matatandaan, noon pa lamang ay mainit na pinag uusapan na ang posibleng relasyon sa pagitan ni Fernandez at Alawi na ilang beses na namataang magkasama sa publiko.
Napansin din ng maraming netizens na naging aktibo si Ivana sa paglike ng mga litrato noon ni Cong. Dan sa kanyang social media posts.
Dahil sa mga mapanuring netizens ay kumalat din noong 2018 na magkasama ang dalawa sa kaarawan noon ni Ivana na ginanap sa Amerika.
Ayon kay Ogie Diaz ay nakaabot din sa kanya noon ang mga nasabing balita.
Ito ang naging pahayag ni Ogie.
Nabalitaan ko nga naging sila, o hanggang ngayon sila parin nililihim lang,”
“Yung iba nga magkarelasyon pero tinatago nila na may anak sila,” sabi pa ni Ogie, ngunit hindi naman niya binanggit kung sino ito.
Naniniwala naman si Ogie na wala namang masama kung ilihim ni Ivana at Dan ang kanilang tunay na relasyon.l
Last year pa lamang ay nagsalita na si Ivana kung ano nga ba ang totoong relasyon nila ng 54-anyos na representate.
Ayon naman sa kanya ay hindi naging sila dahil ‘babaero’ daw si Fernandez.
Ito ang Naging Pahayag noon ni Ivana hinggil dito.
“No, we’re friends. Yes, I won’t deny it, we go out with friends. Pero we’re not romantically involved. No! (why not?) Kasi babaero siya, ayoko ng babaero, (laughs) please, wag na. Ayoko ng ganun, gusto ko ‘yung mamahalin ako. Stick to one,” sabi ni Ivana sa panayam sa kanya ni Boy Abunda noon.
Ang nasabing komento ni ogie ay mapapanood mismo sa kanyang channel at sa ngayon ay umabot na ng mahigit 300,000 views ang nasabing vlog ni Ogie.
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento