Umalma ang actor na si Joshua Garcia sa isang Facebook fake account nito kung saan ay binagti niya ng "congratulatons" ang couple na si Gerald Anderson at ang dati niyang kasintahan na si Julia Barretto.
Halos dalawang taon nang pinag-uusapan ang tungkol sa ugnayan nina Gerald at Julia. Biyernes, March 5, ay tinuldokan na ni Gerald ang espekulasyon ng publiko tungkol sa real score ng relasyon nila thru an interview with Boy Abunda para sa kanyang YouTube channel, inamin ng aktor na may relasyon nga sila ni Julia. Pero hindi naman nito sinabi kung kailan naging opisyal ang relasyon nila.
Noong July 2019 pa pinaghinalaang may relasyon ang dalawa dahil spotted silang magkasama sa Bonifacio Global City, Taguig. Si Julia rin ang itinuturong "third party" sa hiwalayang nina Gerald at Bea Alonzo. Pero mariin itong pinabulaanan nina Gerald at Julia. Matapos ang pag-amin ni Gerald, namataan ng netizens ang first public appearance nila ni Julia as a couple noong Sabado, March 6, nang namamahagi ng ayuda sa mga pamilya ng Aeta na naninirahan sa Lupang Pangako Resettlement sa Barangay San Agustin, Iba, Zambales.
Mabilis na nilinaw ni Joshua Garcia ang viral post sa Facebook ng isang “Joshua Garcia” na kino-congratulate ang ex-gilfriend na si Julia Barretto sa pag-amin nila ni Gerald Anderson tungkol sa kanilang relasyon.
Nakalagay sa Facebook post ng nasabing fan account:
“Congratulations Gerald Anderson and Julia Barretto. (two heart emojis)” Kalakip ng post ang larawan nina Gerald at Julia.
Nakarating ito kay Joshua kaya kaagad siyang naglabas ng disclaimer sa kanyang Instagram Stories kahapon, March 7. Sabi ni Joshua, wala siyang aktibong Facebook account. Paglilinaw ng 23-year-old actor:
“FYI po, this one is not mine and i don’t have any active Facebook account. Kindly spread the info. Thank you.”
May isa pang post ang kanyang fan account na tila may pahiwatig din sa pag-amin ni Julia sa relasyon nito kay Gerald. Mababasa rito:
“Maging masaya tayo sa ikaliligaya ng iba. [smiling face, praying hands emojis]”
Kung matatandaan ay April 2019 noong umamin sina Joshua at Julia tungkol sa kanilang two-year relationship. Ngunit pagkalipas lamang ng ilang buwan ay tinapos na rin ng dalawa ang kanilang relasyon.
Nitong March 7, 2021 ang ika-32 kaarawan ng actor na si Gerald Abderson ay binati siya ng girlfriend na si Julia Barretto sa kanyang Instagram account. at ito ang unang post ni Julia tungkol sa kanilang relasyon ni Gerald. Mensahe ni Julia:
“Everyday I celebrate you, but today I am extra grateful [white heart emoji]. Happy birthday my love, I am SO PROUD OF YOU.”
Samantala ay spotted din si Julia at ang kanyang pamilya na nakipag celebrate sa birthday party ni Gerald. Ibinhagi ng isang kaibigan ni Julia ang mga ilang kuhang video clip sa kaganapan sa party ng actor.
Ibahagi naman ang inyong reactions.
What is the casino? - SEPT
TumugonBurahinThe best casino apr casino online is the septcasino One of the main reasons why people are spending money on a game μΆμ₯μλ§ is by septcasino.com having a few options. One of the https://vannienailor4166blog.blogspot.com/ reasons