LATEST

Malisyosong larawan ni Alden Richards na ipinakalat umano ni Xian Gaza, GMA Network umaksyon na, handang magdemanda

Imahe
Sparkle GMA Artist Center will file a lawsuit against those who spread and commented maliciously on the fake nude photo of their talent Alden Richards. And one of GMA's possible charges is social media personality Christian “Xian” Gaza who posted a fake photo of Alden on his Facebook account on April 1, 2022. Christian “Xian” Gaza, tagged as the ‘Pambansang Marites’, is one of the most controversial social media personalities today in the Philippines. Because of his controversial posts about celebrities, he is always talked about by and netizens.  One of Xian’s controversial posts is his April Fool’s Day entry which is none other than the said photo of Alden. In the said photo, the actor's body can be seen 'naked'. Also attached to the photo is a malicious caption from Xian. But it turns out that the said photo of Alden is fake and there is no truth in what Xian said in his post that he passed on the nude photo of Alden.  Based on the message he allegedly se...

Janno Gibbs nagpahayag ng public apology at nagbantang ilalabas ang katotohanan

 

Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon ang balitang ilang beses daw minura ni Janno Gibbs si Kitkat Favia sa taping ng noontime show nilang “Happy Time” na napapanood sa Net 25. Kasama rin nila sa show bilang co-host si Anjo Yllana pero wala raw ang aktor nang mangyari ang insidente.

Nag-ugat ang isyu nang maging guest si Marco Sison sa Happy Time. Napikon daw si Janno dahil feeling niya, kinampihan ni Kitkat ang team ni Marco, kaya pinagsalitaan at inaway si Kitkatd ahil nahiya kay Marco at sa mga contestant, muntik daw ito umiyak.

Si Janno naman ay maaring nagalit, kaya nag-walk out sa rehearsal at hindi na bumalik. Kaya si Kitkat na lang ang nag-host nang kunan na ang segment. 

Umabot sa socmed ang naging iringan ng dalawang host na ikinagulat ng netizens.

Maraming ibinaderang patama si Kitkat sa kanyang social media account na obviously ay para ito kay Janno Gibbs.

Sabi naman ni Janno, “The worst people are those who judge the fault of others, but blind to their own” at sinamahan pa ng poster ng movie ni FPJ na Kapag Puno Na Ang Salop. 


Ayon  naman kay Kitkat, “People will hurt you and they act like you hurt them.” 

Napabalita na rin na  kumunsulta na sa abogado si Kitkat at nagtanong daw kung ano ang puwede niyang ikaso kay Janno.

Nitong nakaraang araw ay nag-post naman ang actor singer-comedian sa kanyang Instagram account ng mga screenshot ng naging komento ng bashers laban sa kanya. Tinawag siyang  unprofessional, palaging late, wala pang napatutunayan at ugaling basura.

 

Ibinahagi rin ni Janno ang screenshot ng isang basher niya na zero followers ito at walang laman ang account kundi dummy account ito.

May comment naman sa kanya na hindi na rin niya naiwasang sagutin kung saan tinawag naman siyang ugaling basura at hindi marunong rumespeto ng babae.

Dito, sumagot na si Janno at itinama pa ang grammar ng IG user,  “1.) Its Didn’t your mom ‘Teach’ not taught! 2.) Mahiya ka naniniwala ka sa tsismis.”

February 23, base sa post ni KitKat ay nagkausap na sila ni Janno at nagkapatawaran na. Pero iginiit ni KitKat na totoo ang nangyari sa pagitan nila ni Janno. 

Matapos ang post ni Kitkat, ay nagpahayag naman ng public apology si Janno. Isa itong mensahe sa lahat ng bumabatikos sa kanya ang kanyang ipinost sa kanyang social media accounts. Pero kalakip nito ay tila may banta siya na ilalabas na niya ang katotohanan hinggil sa nangyari sa kanila ni KitKat. 

"Nagpakumbaba napo ako. Tiniis ko ang pangBabash ng mga tao sa akin at sa aking pamilya. Humingi napo ako ng tawad,kahit na siya ang tunay na nagumpisa ng lahat. I was provoked. Pinahiya sa harap ng maraming tao sa studio. Pinag-ayos napo kami kanina. Akala ko ay ayos na. Tinanggap ko napo kahit hindi niya ako sinuklian ng paumanhin. Ngunit ngayong gabi ay nagpost nanaman sya. Pinalalabas na wala siyang kasalanan. Hindi ko napo kayang palampasin ito. Kailangan ko nang ipagtanggol ang aking reputasyon at higit sa lahat ang aking mga anak, na nkatatanggap din ng batikos sa mga tao. Oras na para malaman ng tao ang Buong katotohanan."

 

Hanggang sa oras na ito ay tila Hindi pa tuluyang matatapos ang issue sa pagitan ng dalawang happy time hosts kahit sabihing nagkapatawaran na sila sa isa't isa base sa post ni Janno Gibs. 

Para naman sa inyong reaksiyon ibahagi na ito sa comment section.






 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Malisyosong larawan ni Alden Richards na ipinakalat umano ni Xian Gaza, GMA Network umaksyon na, handang magdemanda

The alleged man of Kylie Padilla identified by netizens

Ang yaman pala ng soon to be son-in-law ni Gretchen Barretto